Posted February 7, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Dadaong na sa isla ng Boracay ngayong darating sa araw ng
mga puso Pebrero 14 ang MS Celebrity
Constellation.
Ayon sa Jetty Port Administration, napag-usapan na ang
preparasyon at seguridad na ilalatag para sa maiden call ng barko sa darating
na Martes.
Ayon kay Jetty Port Administrator Nieven Maquirang,
kinakailangan umano ang suporta at kooperasyon ng lahat para sa pagdaong ng
barkong ito na lulan ang 2,038 na mga pasahero at ang 999 na mga crew kung saan
ang arrival nito sa ganap na alas- otso.
Nabatid na mula Singapore, ito ay tutungo sa Vietnam, Hong
Kong, at pagkatapos ay maglalayag papuntang Pilipinas sa baybayin ng Maynila sa
Pebrero 13 bago ang kanyang pagbisita sa Boracay kung saan pagkatapos dito ay
didiretso sa Malaysia at babalik sa Singapore.
Kaugnay nito sa Pebrero 15 naman araw ng Miyerkules ay
aasahan din ang pagdating ng MS Europa II.
Samantala, ito ang pangalawang barko na dadaong sa
Boracay kung saan 13 pa ang inaasahang bibisita sa isla ngayong taong 2017.
No comments:
Post a Comment