Posted February 9. 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Isinugod
agad sa isang kilinika ang isang menor de edad matapos itong ma-hit and run
kagabi sa Sitio Diniwid, Brgy. Balabag.
Base sa salaysay ng ama ng
biktima, habang naglalaro umano malapit sa kalsada ang anak nito ay saktong
dumaan ang isang traysikel rason na nabangga ang kanyang anak.
Nabatid na matapos umano
nitong banggain ang biktima ay hindi man lamang ito nagbigay ng tulong at sa
halip ay nagpatuloy pa ito sa pagpapatakbo ng traysikel.
Samantala, patuloy pa ang
ginagawang imbestigasyon ng mga pulis sa naturang insidente at ang
pagkakakilanlan ng driver.
No comments:
Post a Comment