Posted February 9, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Nagpatawag ng isang pulong ang
pamunuan ng Police Regional Office -6 para sa nalalapit na pagdaos ng ASEAN
SUMMIT 2017 sa Boracay.
Nilatag ni Police Superintendent Ben Gabion, Team
Supervisor at Police Senior Inspector Silverio Castillo ang mga plano sakaling
magkaroon ng insidente katulad ng bomb threat o banta sa seguridad ng mga
delegado lalo sa mga lugar na pagdarausan ng ASEAN meetings.
Dahil dito, pinulong ng mga bomb experts ang mga hotel
security personnel kasama ang mga desk supervisors at law enforcers kung ano
ang gagawin ng mga ito sa oras na mangyari ang ganitong sitwasyon o senaryo.
Maliban sa ginawang presentasyon, nagbigay din ng mga
leaflets na naglalaman ng mga importanteng tips at hotline numbers ang PRO-6
para sa maagap na pagresponde.
Samantala, ipinaabot naman ni Gabion na makipagtulungan
at huwag mahiyang magtanong o ipaalam sa kina-uukulan ng sa ganoon ay maging
matiwasay at ligtas ang lahat ng delegates sa ASEAN Summit maging ang
komunidad.
No comments:
Post a Comment