Posted February 8, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
“Hospital services will resume until further notice.”
Ito ang naka-paskil sa bukana ng bagong pinasinayaang
ospital na Don Ciriaco S. Tirol Memorial Hospital pagkatapos ang ginawang soft
opening noong unang araw ng Pebrero ng taong kasulukuyan.
Ayon kay Medical
Officer IV Lily Ann Eslabra, hindi pa umano kumpleto ang mga facilities at
equipments na gagamitin para sa mga pasyente.
Dagdag pa nito, ang soft opening umano na nangyari ay
para ipaalam sa publiko na handa ng buksang muli ang inayos at pinalaking ospital
sa isla ng Boracay.
Pina-abot din ni Eslabra na nais din umano niyang
mabuksan na sa madaling panahon ang naturang ospital para maserbisyohan ang mga
nangangailan ng serbisyo-medikal.
Sa kasalukuyan, may mga orientation at training na
ginagawa ang pamunuan para sa mga kawani at nurses sa nasabing ospital.
No comments:
Post a Comment