Posted February 9. 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Nasa pangangalaga na ngayon ng
Women and Children’s Protection Desk o WCPD ng Boracay PNP ang menor de-edad na
suspek sa pagnanakaw sa Station 1 Brgy. Balabag, Boracay kagabi.
Sa pulis report ng BTAC, kinilala ang nagrereklamong si
Hyerin Han, 20-anyos Foreign National at temporaryong nanunuluyan sa isang
resort sa naturang lugar.
Salaysay ng nagrereklamo, habang naglalakad umano sila
kasama ng kanyang mga kaibigan, napansin na lamang nito na may nagbukas ng
kanyang sling bag kung saan kinuha ang cellphone nito.
Hinabol nila ang suspek at tinawag ang atensyon ng mga
pulis na nasa lugar kasama na ang miyembro ng beachguards at MAP.
Agad naman nilang naaresto ang menor de edad kung saan tinurn-over rin ito sa
DSWD.
No comments:
Post a Comment