Posted February 10, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nais ngayong pa-imbestigahan ni Sangguniang Bayan Member
Dante Pagsuguiron ang bagong tayong Club Galaxy Bar sa Sitio Tulubhan Brgy.
Manoc-Manoc, Boracay.
Sa 5th Regular Session ng Malay, naging laman ng
Privilege Speech ni Pagsuguiron ang tungkol sa operasyon ng bagong bar sa
lugar.
Ayon sa konsehal, ang imbestigasyong kaniyang nais ihain
sa plenaryo ay para tingnan ang umano’y violation nito sa setback ordinance.
Bukod dito, may nakausap pa umano siya na isa sa mga
trabahante doon na meron umanong kwarto na eksklusibo lang sa mga foreign
costumer.
Samantala, nais din ni SB Jupiter Gallenero na tanungin
ang licensing office kung meron ba itong building permit at kung kumpleto ba
ito sa dokumento.
Ani Gallenero, sakaling may business permit ito ay saka
na lamang imbestigahan kung ano ang purpose ng nasabing eksklusibong kwarto at
kung bakit hindi pwede sa mga pinoy.
Sa isang panayam kay SB Fromy Bautista, nabanggit nito na
may nakita siyang paglabag sa firewall ng gusali ng nasabing bar at pinuna rin
nito ang malaking promotional tarpaulin sa Laketown area.
Bunsod nito, ang nasabing usapin ay nakatakdang
imbestigahan ng Committee on Housing, Land Utilization and Building
Construction at Committee on Tourism Industry, Trade Economic Enterprise and
Cooperatives.
No comments:
Post a Comment