Posted February 6, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Inaasahan ang pagdaong ng limang cruiseships sa isla ng
Boracay ngayong buwan ng Pebrero.
Kinabibilangan ito ng MS Celebrity Constellation, MS
Europa II, MS Seaborne Sojourn, MS Crystal Symphony at ang MS Seven Seas
Voyager.
Sa ginawang pulong sa Jetty Port Caticlan, napag- usapan
ang seguridad at preparasyon ukol dito kung saan nakahanda na ang mga hanay ng
pulis katuwang ang Philippine Army, Malay Auxilliary Police (MAP), MARITIME
Police, Philippine Navy at Philippine Coast Guard.
Samantala, ang pagbisita ng mga cruiseships na ito ay
upang maipakita ang angking kagandahan ng isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment