Todo-bantay na ngayon ang Commission on Elections sa
posibleng gawin ng mga pulitiko partikular na sa vote-buying.
At upang maiwasan umano ang vote buying, naglabas ang
Comelec ng Resolution 9688 o Money Ban at kanila itong inamyemdahan.
Kung saan nakapaloob dito na lilimitahan sa Php100,00.00 ang
cash withdrawals kada araw.
At sa pakikipanayam ng himpilang ito sa mga manager ng ilang
bangko sa isla ng Boracay, sinabi ng mga ito na hangga’t wala umano silang
natatanggap na mandato o utos mula sa governing body ng mga bangko, ay
papayagan nilang magwithdraw ang sinuman ng nasabing halaga.
Mahirap umano kasi sa kanila na hindi pag-withdraw-hin ng
pera ang kanilang mga kliyente, dahil lamang sa naturang panukala ng Comelec.
Iginiit pa ng mga ito na pera din umano nila ‘yun, at hindi
rin naman umano nila alam kung saan gagamitin ang inilabas na pera.
Kailangan din umanong maglabas ng parameter ang Comelec o
governing body nang sa ganun, kung sakali mang may magreklamo ay mayroon silang
ipapakitang guidelines at maipaliwanag ng mabuti sa kliyente.
Pero kung sakali anilang mabigyan sila ng order mula sa pamunuan
ng mga bangko na huwag magpalabas at huwag payagan ang sinuman na kumuha ng
ganung halaga ay kanila itong susundin.
No comments:
Post a Comment