YES THE BEST 911 BORACAY

Sunday, May 12, 2013

Boracay, free sa liquor ban

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Hindi man naipatupad ang Liquor Ban noong Miyerkules, Mayo 8, ay natuwa naman ang Comelec dahil may ilang mga establishemento pa rin sa Boracay ang sumunod dito.

Sapagkat ayon sa ginawang monitoring umano ng Comelec Malay sa paraan ng pagdeploy nila ng tao dito sa isla, napansin nila na may mga bar  talaga dito na hindi nag-serve ng alak sa nasabing petsa, at may mga establishementong hindi talaga ng nagbenta ng nakakalasing na inumin partikular na yaong mga hindi nag-apply ng exception sa kumisyon.

Dagdagan pa umano na noong a-otso lang din naglabas ng Temporary Restraining Order o TRO ang Supreme Court oras bago ipatupas sana ang pinalawig na liquor ban bago ang halalan.

Kaya ayon kay Malay Comelec Officer Feliciano Barrios, sa gabi ng a-nuebe ay pwede ulit mag-serve ng alak ang mga establishemento dito.

Nilinaw ni Barrios na ibinalik sa dalawang araw ang pagpapatupad sa liquor ban na magsisimula sa madaling araw ng a-dose ng Mayo at matatapos ito pagkatapos din mismo ng araw ng eleksiyon sa alas-12:00 ng hating gabi ng a-trese ng Mayo.

Kung maaalala, una ng nagpalabas ng Resolution No. 9582 ang Comelec kung saan mula sa dalawang araw na implementasyon nito ay ginawa itong limang araw ng kumisyon.

Subalit ani Barrios, sa petisyon aniya na ipinaabot ng mga liquor company sa Supreme Court, ay nagpalabas ng utos ang kataas-taasang korte na ipatigil ang implementasyon.

Maaalalang nakasaad din sa resolusyon na ito na dapat ay noong a-nuebe ng madaling araw ay dapat na inumpisahan na ang pagpapatupad nito na nagbabawal sa pagbibenta, pabili, pag-serve at pag-inom ng alak.

Maliban na lamang kung ang establishemento ay accredited sa Department of Tourism at nakapag-apply ng excemption sa Comelec.

Pero ang mga turistang dayuhan na gustong uminom ng alak ay hindi bahagi o saklaw ng resolusyon kaya malayang silang maka-inom kahit sa araw ng eleksiyon. 

No comments:

Post a Comment