Matapos maideklara ang mapayapang eleksyon sa bansa nitong
Lunes, ang mga pulis namang naka-deploy sa iba’t-ibang himpilan para sa halalan
ay nakabalik na sa kani-kanilang istasyon.
Magkaganoon pa man, nananatili pa rin silang nakaalerto
kahit tapos na ang eleksyon.
Sa katunayan, ayon kay PO1 Lou Dela Cruz ng Malay PNP, patuloy
pa rin silang nagbabantay para sa gun ban at nagsasagawa ng mga check points.
Epektibo pa rin umano kasi ang gun ban hanggang ika-12 ng
Hunyo, habang ang liquor ban ay tapos na.
Sinabi pa ni Dela Cruz na wala namang naitalang karahasan sa
bayan ng Malay kaugnay sa kakatapos na halalan.
Samantala, nanawagan din ng patuloy na suporta sa publiko
ang Malay PNP.
No comments:
Post a Comment