Hindi maaapektuhan ang bilang ng tourist arrival sa Boracay
ngayong halalan.
Ito ang paniniwala ng Department of Tourism o DoT kaugnay sa
magiging daloy ng turista sa isla ngayong eleksiyon, sa ika-13 ng Mayo.
Dahil kung ang malaking bilang ng turista na pumapasok sa
Boracay sa araw-araw, ay yaong mga lokal na bisita din at botante din.
Pero ayon kay DoT Boracay Officer In-charges Tim Ticar, kadalasan
ay weekend dumadagsa ang mga turista sa isla, at araw naman ng Lunes ang
eleksiyon.
Kaya normal na araw na umano iyon para sa Boracay, na
kalimitan ay linggo ng hapon ay nagsisiuwian na rin ang mga bisita dito.
Dagdag pa nito, hindi din umano maaapektuhan ang turistang
dayuhan na pupunta sa Boracay kahit eleksiyon day man.
No comments:
Post a Comment