Naging mapayapa at naging matagumpay ang isinagawang May 13, 2013 Midterm Elections, partikular na sa Isla ng Boracay.
Ayon kay Sr/Insp. Joeffer Cabural, naging matagumpay umano ang naganap na halalan dito sa isla dahil sa kabila ng kanilang isinagawang pag momonitor sa mga lugar na pinag darausan ng eleksyon ay wala umano silang naitalang insidente o komusyon.
Dagdag pa nito, sa ipinatupad ng Comelec na liquor ban ay nakiisa naman ang mga tao sa isla kung saan wala namang naging pasaway na lumabag sa batas.
May ilan din umanong establisyemento ang nag bukas at nag-benta ng mga nakakalasing na alak pero binebenta lamang nila sa mga foreigner.
Isa lamang ito sa mga patunay na patuloy na sumusunod ang mga mamayan sa isla sa mga pinag babawal ng gobyerno lalo na at may kinalaman sa isinasagawang halalan sa bansa.
No comments:
Post a Comment