“Honest at orderly.”
Ito ang paniniwala ng PPCRV o Parish Pastoral Council for Responsible Voting sa nangyaring halalan sa Aklan.
Bagama’t sa panayam ng himpilang ito kay Aklan PPCRV Coordinator Reverend Father Ulysses Dalida.
Sinabi nito na sila sa PPCRV ay nakaranas parin ng ilang problema kaugnay sa pagtransmit ng Precinct Count Optical Scan o PCOS machine.
Maging ang kanilang pagkakaroon dapat ng kopya ng ER o election returns mula sa COMELEC ay nagkaroon din ng problema, kagaya sa nagdaang eleksyon.
Sa kabilang dako, ipinaabot parin nito ang pagbati ng PPCRV sa lahat ng mga naihalal na mga kandidato sa Aklan.
Hinimok din nito ang mga hindi pinalad ngayong halalan na maglingkod parin kahit sa anong paraan, katulad umano sa kanilang naging pangako bago mag-eleksyon.
No comments:
Post a Comment