Noong Huwebes, Mayo a-nuebe ng tanghali ay dumating na lahat
ng PCOS Machine na gagamitin para sa buong bayan ng Malay at Boracay.
Pero noong Biyernes dinala ang mga ito sa 17 barangays ng
Malay para gamitin sa 2013 Midterm election na magagansap sa araw ng Lunes,
Mayo a-13.
Bunsod nito, noong Biyernes din mismo ginawa ang testing at
sealing sa lahat mga Precinct Count Optical Scan o PCOS Machines sa pag-dating
na mga ito sa mga polling precincts.
Bunsod nito, sinabi ni Malay Comelec Officer Feliciano
Barrios na nabigyan na ng pagkakataon ang mga nais makita ang machine.
Maliban dito, may pagkakataon din umano ang sampung botante
na masubukan ang aktuwal na pag-gamit sa machine na ito.
Sa bahagi naman ng Comelec, sa gagawing testing and sealing
na ito malalaman kung gumagana ng maaayos at kung makapag-transmit ang PCOS
upang maging handa sa pagsapit ng eleksiyon.
Maliban dito, mananatili na umano sa mga presento ang machine
hanggang sa matapos ang pagboto.
Pero para masiguro umano na ligtas ang machine, ang mga
partido o kandidato ay maaari naman aniyang magpadala ng kanilang representante
para bantayan ang PCOS maliban pa sa mga Board of Election Inspectors o BEI at
pulisya na naroroon.
Samantala, sa ngayon ayon kay Barrios ay nanatiling maayos
naman ang kanilang ginagawang paghahanda at wala silang nakikitang magiging
problema sa Lunes sa eleksiyon dito bayan ng Malay.
Hellο outstаnding blog! Doеs running a blog like this rеquiгe a large amount of work?
ReplyDeleteI hаve absolutеly no undeгstanding
of ргοgramming however І
ωaѕ hoping tο ѕtart mу οwn blog in the near futurе.
Αnyωaуѕ, if yоu havе any іdeas oг tipѕ
for nеw blog οwners plеasе ѕhare.
I κnow thіs іs off topіc howеver
І simply ωanted to ask. Kuԁοs!
My web pagе; sportsbet