Sakit sa ulo ang dulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa mainroad ng barangay Balabag.
Ganito ilarawan ng mga motorista ang mga pasahero ang nasabing lugar araw-araw.
Maliban dito, pangit na impresyon din ang dulot nito sa mga turista sa isla.
Ang masaklap, medyo matatagalan pa bago matapos ang kalbaryong dulot ng mabigat at nakakaubos ng pasensyang trapiko sa publiko.
Ayon kasi sa isang operator ng ginagawang proyekto doon, ang nasabing proyekto ng isang telecommunications company ay aabutin pa ng mahigit tatlong buwan bago matapos.
Kapansin-pansin namang kung minsan ay walang taga municipal auxiliary police o tanod ang nagkokontrol ng trapik doon, dahilan upang lalo itong lumala.
Kung minsan naman ay meron, at kung minsan ay ang mismong trabahador ng proyekto ang naroon.
Bagay na sa panayam ng himpilang ito kahapon kay Boracay Island Administrator Glenn Sacapaño.
Sinabi nito na kanyang kakausapin ang mga taga engineer’s office ng Malay, upang malaman kung ano ang nilalaman ng permit ng nasabing proyekto, at upang maaksyunan ang problemang trapiko.
No comments:
Post a Comment