Sa kabila ng protestang naganap sa Bayan ng Buruaga, positibong sinabi ngayon ng Aklan Provincial Police Officer (APPO) na naging mapayapa ang midterm election sa buong probinsya ng Aklan.
Ayon kay Public Information Officer PO3 Nida Gregas, sa kabuuan umano ay naging mapayapa ang nasabing eleksyon at walang mga naitalang kaguluhan maliban lamang sa nasabing bayan.
Bagamat bago naman isinagawa ang eleksyon sa probinsya ng Aklan ay may mga lumabag sa batas kaugnay sa pagdadala ng ipinag babawal na armas.
Pero, aniya, sa panahon ng eleksyon hanggang sa matapos ito ay nanatili namang matiwasay.
Dagdag pa nito, bagamat natagalan umano ang pag-proklama sa mga nanalong kandidato sa Aklan ay nanatiling kalmado parin ang mga taga-suporta lalo na ang mga politiko.
Naniniwala din umano si Gregas na mas naging maayos ang eleksyon ngayong taon kaysa noong 2010.
No comments:
Post a Comment