Simula noong Biyernes, a-10 ng Mayo, ay 24 oras na
babantayan na ng mga pulis ang lahat ng polling places sa Malay at Boracay.
Ito ay upang masiguro umano ang kaligtasan ng mga PCOS machines
na dinala na sa lahat ng polling precinct dito.
Ayon kay S/Insp. Reynante Jomocan, hepe ng Malay Police
Station, simula noong Biyernes hanggang sa matapos ang eleksiyon ay mayroon ng mga
nakaantabay ng pulis sa mga polling places dito
gayong din mga tanod umano ng mga barangay.
Nabatid din mula sa opisyal na kahapon ay dumating na rin
ang sampung police officers na augment o dagdag pwersa sa awtoridad sa Malay na
siyang magbabantay sa darating na halalalan.
Samantala, inihayag ng hepe na sa ngayon ay nananatiling
maayos pa rin ang seguridad para sa nalalapit na May 2013 elections sa Lunes.
No comments:
Post a Comment