YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 12, 2013

Water Quality ng beaches sa Boracay, walang problema --- DENR- EMB

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

“OK naman at walang problema ang water quality sa beach ng Boracay”.

Ito ang nabatid mula kay Environmental Management Bureau (EMB) Boracay Focal Person Ric Benjamin sa panayam dito nitong hapon.

Ganoon pa man, magkakaroon parin ng pormal na presentasyon sa mga Stakeholders sa isla ang EMB Region Office 6 kaugnay sa kanilang ginawang mga pagsusuri sa kalidad ng tubig sa “2012 Best Beach in the World” na Boracay.

Gaganapin ito sa darating na Lunes ng umga, ika-18 ng Marso ng taong ito.

Kung saan ipapakita ng DENR-EMB ang mga resulta ng ginawa nilang eksaminasyon sa tubig nitong nagdaang taong ng 2012.

Nabatid na tuwing dalawang buwan ay nagkakaroon ng water analysis o eksaminasyon sa beach ng islang ito.

Pero hindi lamang umano ito simpleng presentasyon lamang para sa kaalaman ng publiko hinggil sa kondisyon ng tubig dito.

Kundi maglalatag din umano ang ahensiya ng mga hakbang na dapat na gawin upang mapanatili ang maaayos na kalidad ng tubig sa Boracay na siyang pinapaliguan at binabalik-balikan ng mga turista.

Paglilinaw pa ni Benjamin, ang gagawin presentasyon nila sa Lunes, ay walang kinalaman sa planong demolisyon sa mga illegal structure ng DENR sa Boracay. 

No comments:

Post a Comment