Kung saan, iinaasahang 8-9 na oras magtatagal sa Boracay ang
MS Europa sa ika-19 ng Marso.
Ayon kay Marsh Bernabe, Technical Staff ng Caticlan at
Cagban Jetty Port, darating ang pang-turistang barko na ito bandang alas-7:00 ng
umaga at magtatagal hanggang alas-4:00 ng hapon.
Sa ngayon, ayon kay Bernabe, ay hindi pa nila nasabi kung
ilang turista ang bababa o bibisita sa Boracay mula sa MS Europa at malalaman pa
umano ito dalawang araw bago ang pagdaong ng barko sa isla.
Ang MS Europa ay siyang ikatlong cruise ship na bibisita sa
isla. Una nang dumaong na ang Caribbean Cruise noong Oktobre at MS Columbus
nitong Pebrero.
No comments:
Post a Comment