Kung ang buhay ng mga commissioner sa front beach ay hayahay
dahil sa kumisyon na natatanggap nila ay may patong pa ang bayad sa serbisyong
inaalok nila sa bawat turistang nakukuha nila para sa iba’t ibang sea sports activities,
umaaray naman ang mga sea sports operator at empeyado ng mga establishemiyentong
ito dahil sa madalang na lamang umano ang kustomer nila ngayon, kahit na super
peak season na.
Ito ang nabatid mula sa empleyado ng iba’t ibang Sea Sports
establishement sa Boracay na nakahimpil
sa Station 2 o Sea Sports loading at unloading area na nilaan sa kanila ng LGU
Malay kahapon ng hapon.
Ayon sa mga empleyado, matumal ang kita nila ngayon, kumpara
noong nagdaan taon sa katulad na panahon.
Aminado naman ang mga ito na marami ang mga turista ngayon
sa isla.
Ngunit mangilan-ngilan na lamang umano ang tumatangkilik sa
serbisyo nila sa ngayon.
No comments:
Post a Comment