“Aroganteng at walang galang na Pulis kung makipag-usap sa tao.”
Ito reklamo ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsugiron sa SB Session noong ika-12 ng Marso.
Ito ay may kaugnayan sa ginawang pagbabastos umano sa kaniya ng isang miyembro ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) nitong Lunes ng gabi.
Aniya, wala siyang reklamo sa serbisyo ng mga ito, pero ang paraan umano ng sa pagsita nito at pag-utos sa kaniyang ang hindi niya na gustuhan na tila nakakabastos.
Gayong wala naman umano siyang nalabag na batas trapiko sa mga oras na iyon at bigla lamang sumulpot ang naturang pulis makaraang makalampas na rin ang una sa Comelec check point doon at pauwi na umano sana sa kanilang bahay sa Sitio Angol, Manoc-manoc.
Ang pulis na tinutukoy nito ay si PO1 Rommel Lopez ng Traffic Section.
Paglilinaw ng konsehal, tanging ang paraan ng pagsasalita ng Pulis ang hindi niya nagustuhan.
Kaya nanghingi ito ng tulong sa konseho kung ang ano ang dapat nilang gawin sa katulad na pulis sa isla.
Nais lamang umano sana nito na magkaroon ng respito aqng Pulis kahit na sa simpleng indibidwal, para na rin sa Boracay.
Samantala, paliwanag naman ni Insp. Keenan Ruiz, Team Leader ng isinagawang Check point ng BTAC noong Lunes, nagkaroon lamang ng misinterpretation sa gitna ng konsehal at police officer.
Pero ayaw na nitong magkomento pa kaugnay sa reklamo ni Pagsugiron sa umano’y magaspang na “behavior” ng nabangit na pulis, at ipina-uubaya na lamang nila sa kanilang hepe ang usaping ito.
No comments:
Post a Comment