Ang seawall ng mga establishemiyento sa Boracay lalo na sa dalampasigan ng Balabag ay isa sa mga nakikitang dahilan ng beach erosion sa isla ayon sa mga dalubhasa.
Kaya bilang isa sa mga nakikitang solusyon ng pamahalaang lokal ng Malay lalo ng Municipal Engineering Office at Municipal Planning Office, iprinesenta ni Engr. Elizer Casidsid ang kanyang disenyo ng seawall.
Bagamat ito ay plano ng desinyo pa lang, nais matiyak ni Alma Belejerdo ng Municipal Planning Office na naayon sa teknikal at syentipikong aspeto ang disenyo at hindi magdudulot ng karagdagdagang problema sa erosion.
Kinatigan ito ng mga dalubhasa subalit kailangan umano munang tingnan ang maaring epekto nito bago ipatupad.
Ayon kay Kazuo Nadaoka ng Tokyo Institute of Technology na naging panauhin sa furom na isinagawa ng PCCI hinggil sa beach erosion, kailangang maging maingat sa lahat ng opsyon na gagawin.
Dagdag pa nito, walang naging matagumpay na proyektong pangkalikasan lalo na sa epekto ng erosion sa mga baybayin sa buong mundo.
Kahit umano ang paglalagay ng reefdome at reefbuds ayon dito ay isa lamang ekspermento at wala pang linaw kung ito ay nakakatulong sa pagsagip ng marine ecosystem at maging sa beach erosion.
Isinagawa ang forum para mamonitor ang sitwasyon at mabigyang ng seyentipikong tugon ang beach erosion na kung saan ito ay pinangunahan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI Boracay.
please no to sea wall, i could show you some of the effects of the sea wall in some places in the Philippines.
ReplyDeletePhotos coming from a geoscientist.