May bagong hepe na ngayon ang Malay Police Station.
Epektibo nitong Miyerkules ika-13 ng Marso ng taong ito ay
pormal nang pinalitan ni S/Insp. Reynante Jomocan si Insp. Mark Cordero sa
designation nito bilang hepe ng Malay Pulis.
Nabatid na dahil sa over staying na rin umano sa bayan ng
Malay si Cordero, kaya na-relieve ito.
Pero, hindi naman kinumpirma ni Cordero kung ano ang rason
ng pagkaka-relieve nito.
Aniya, hindi muna siya magkukomento hinggil sa rason at
nakasaad sa kaniyang relieve order.
Sa ngayon ay nasa Aklan Police Provincial Office muna si Cordero
at hindi pa umano nito alam kung saang departamento sa APPO siya maa-assign.
Si Cordero ay nagsilbing Hepe ng Malay Pulis simula noong
ika-7 ng Marso taong 2011, kung saan mahigit dalawang taon na rin ito sa
nasabing bayan.
Kung maaalala, una nang sinabi ni Aklan Police Provincial
Director S/Supt. Pedrito Escarilla sa panayam ng himpilang ito na hindi pa
tapos ang pagrere-assign o balasahan sa mga hepe ng pulisya sa Aklan para sa
nalalapit na May 2013 elections.
Pero kung tutuusin ay wala naman umano talagang katapusan kung
balasahan ang pag-uusapan dahil normal naman sa kanilang Kapulisan, pero ang
pagkakare-leave umano sa mga ito ay may mga rason naman.
Bilang mensahe ni Cordero sa mga Malaynon, kooperasyon at
suporta sa bagong hepe ang hiling nito.
Samantala, ang bagong Hepe naman na si Jomocan ay nagmula sa
provincial headquarters office at nagsilbing hepe na rin sa bayan ng Lezo hanggang nitong unang bahagi ng taon at
naging opisyal sa Aklan Public Safety Company.
Buti nga yan sa kanya..
ReplyDelete