Tila naiinsulto na umano ang Sangguniang Bayan ng Malay dahil sa deadma lamang sa CAAP ang kanilang tatlong beses nang imbetasyon.
Ito ang isiniwalat ni SB Member Dante Pagsugiron kahapon sa kaniyang privilege speech kaugnay sa estado ng mga lot owners sa Caticlan na naabot ng expansion o development na ginagawa sa Boracay Airport.
Ayon sa konsehal, tatlong beses na rin nilang pinadalhan ng sulat/imbetasyon ang Civil Aviation Authority of the Philippine o,CAAP gayong ang ahensiyang ito ang di umano ay bumili ng lupa ng Boracay Airport.
Layunin sana umano nila ay upang maliwanagan din ang mga lot owner sa Caticlan kung bakit napakababang halaga lamang ang katumbas ng mga lupa nila at mistulang sila pa ang lugi dahil sa nabili nila ito sa mas mataas na halaga.
Subalit, dahil sa tatlong beses na rin umanong hindi manlang sinisipot ng CAAP ang kanilang imbetasyon at kahit sulat manlang ay wala ibinibigay sa kanila.
Bumuo na ngayon ng adhoc committee ang SB Malay na siyang tututok sa usaping ito, at muling silang aapela sa CAAP at maging sa developer ng paliparan upang pati sila rin ay mapaliwanagan.
No comments:
Post a Comment