YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, March 14, 2013

Kalulangan ng pulis sa Boracay, nasa tenga na ng SP

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Kulang pa rin ang pulis sa Boracay.

Ito ang nalaman ng mga Board Member sa Aklan mula kay S/Insp. Jeoffer Cabural Hepe ng Boracay Tourists Assistance Center (BTAC) sa pagdalo nito sa ika-8 Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan kahapon ng umaga.

Ang pangunahing layunin sa pag-imbita kay Cabural sa SP ay upang mabigyan din ng update ang mga mambabatas ng probinsiya kaugnay sa nangyaring pamamaslang sa Ati Community Spokesperson na si Dexter Condez.

Subalit hindi naiwasan ang usapin kaugnay sa estado ng kapulisan sa Boracay, lalo na ang muling pagkakaungkat sa pasa-pasang problema na ng mga hepe na dumaan dito, iyon ay ang kakulangan pa rin ng bilang ng pulis sa isla.

Ayon sa kalihim ng SP Aklan na si Odon Bandiola, dahil dito, magpapasa ng resolusyon ang SP na humihiling kay PNP chief Director General Alan Purisima ng karagdagang pulis sa isla.

Sa kasalukuyan kasi, nasa 52 lamang ang organic sa BTAC at may 80 augmentation.

Gayong ang ideal number ng personnel na organic umano para sa Boracay ay 120 kasama na ang mga opisyal.

No comments:

Post a Comment