Kahit dumami pa ang flights sa Kalibo International Airport ay makakaya na ito kapag naipatupad na ang P125.14 million na proyekto ng DOTC.
Sa ngayon ay nabigyan na ng Sangguniang Panlalawigan si Aklan Governor Carlito Marquez ng otoridad para pumasok sa isang kasunduan sa pagitan ng pamahalaang probinsiya ng Aklan at Department of Transportation and Communication (DOTC) kaugnay sa proyektong ito.
Ayon kay KIA Manager Engr. Percy Malonesio, ang milyun-milyong pondo na ito ay gagamitin para sa expansion ng paliparan.
Partikular sa pambili ng lupa, parking area at daanan ng mga eroplano, parking area sa mga behikulo at pagpapa-ayos at pagpapalapad sa terminal building.
Ganoon pa man wala pa umanong maibibigay na eksaktong alokasyon si Malonesio sa bawat pagbabago na balak na ipatupad sa KIA at hindi pa nito alam kung kailan talaga sisimulan.
Nabatid na ang P125.14 milyon na ito ay nagmula sa 2012 at 2013 Budget ng DOTC.
No comments:
Post a Comment