May mga inilagay na CCTV o Close Circuit Television sa beach front ng Boracay.
Hindi upang mabantayan ang mga masasamang elemento sa isla, kundi upang bantayan ang sitwasyon ng beach front nito.
Eye sore o masakit na nga talaga kasi sa mata ang mga naglilitawang ugat ng mga punong niyog, at mga tubo dahil sa soil erosion sa isla ng Boracay.
Ang problema ding ito ang masisinang pinag-usapan sa ipinatawag na forum ng PCCI o Philippine Chamber of Commerce and Industry na ginanap sa Balabag Action Center.
Ang forum naman ay pinangunahan ng CECAM o Coastal Ecosystem Conservation and Adaptive Management, na binubuo ng mga siyentipiko mula sa Tokyo Institute of Technology at UP o University of the Philippines.
Kung saan sa nasabing forum ay inilatag ng nasabing grupo ang naging resulta ng kanilang pag-aaral na ginawa sa beach front ng isla.
Base umano sa kanilang pag-aaral, napag-alamang nanganganib na ang buhangin sa beach front kung tuluyan ding masira ang mga korales sa karagatan ng islang ito.
Nasilip sa pamamagitan ng kanilang pag-aaral na ang isa sa mga nakasira sa mga korales ay ang anchor damage, at ang kaliwa’t kanang pagpapatayo ng mga gusali sa mga tinatawag na environmentally critical area ng isla.
Kaugnay nito, nanawagan ngayon ang CECAM sa pamamagitan ni Professor Miguel Fortes na magtulungan ang lahat sa isla upang matugunan ang nasabing problema
No comments:
Post a Comment