Maaari kayang sa susunod ay mayroon nang underwater tunnel
ang bayan ng Malay tulad nito?
(photo from Flickrhivemind.net)
|
Hindi pa nga naitatayo ang tulay na una nang binalak na magdudugtong
sa Boracay at Caticlan, panibagong proposisyon na naman ngayon ang nagbabadya
at nailatag sa lokal na pamahalaan ng Malay.
Ito ay dahil ang pagkakaroon ng underwater tunnel na magkukonekta
sa Caticlan at Boracay ang isa sa mga pambungad na topikong inilatag sa unang
araw ng sesyon ng Sangguniang Bayan ng Malay ngayon taong 2013 kahapon ng umaga.
Kasunod ito ng pagpahayag ng isang investor sa paraan ng
e-mail kay SB Member Dante Pagsugiron na sila ay intresadong mamuhunan para sa
paglalagay ng underwater tunnel.
Subalit ang usaping ito ay mariing pinag-iisipan ngayon ng konseho,
kung ikukonsidera ba ang proposisyong ito.
Magkaganon pa man, sinabi ng halos mayorya sa mga miyembro
ng konseho na kapag magkaroon ng pormal na komunikasyon sa Alkalde at
Sanggunian ang sinasabing investor ay nakahanda naman umano ang SB na imbitahan
ang sinasabing si “Mr. Tapay” na siyang may direktang komunikasyon kay Pagsugiron.
Ito ay upang makita ang kabuuan ng kanilang proposisyon at
kung ano ang maidudulot nito para sa Boracay. #ecm012013
No comments:
Post a Comment