Ito ay makaraang mismo sina BTAC Chief of Police S/Insp. Joeffer
Cabural at PI Fidel Gentallan pa ang pumunta doon para hulihin ang suspek na si
Mark David Slim, 25-anyos at pansamatalang nanirahan sa Sitio Diniwid pero
tubong Brgy. Lawaan, New Washington, Aklan.
Ito ay matapos nakawan ang apartment ng biktima nitong si
Nerisa Mercado noong ika-5 ng Enero, araw ng Sabado kung saan tinanggay ng
suspek ang laptop, cell phone at camera.
Pero sa tulong ng informant sa pulisya, nahulog sa kamay ng
awtoridad ang suspek, kahit pa nagtago pa ito sa Iloilo.
Nabatid na bago ito napasakamay ng pulisya at gawin ang
panloloob nitong Sabado, ay may nauna ng kaso itong kinaharap sa bayan ng
Kalibo.
Sa ngayon ay nasa lockup cell ng Boracay Tourist Assistance
Center ang suspek, at kasalukuyang inihahanda ang kasong robbery laban dito. #ecm012013
No comments:
Post a Comment