Kaya nahulog sa kamay ng otoridad ang tinuturong kumuha ng
kwintas ng nagrereklamong biktima na si Jo-Ann Chua ng Tanza, Iloilo, pero nakatira
ngayon sa Sitio Malabunot, Manoc-manoc.
Habang ang tinuturong suspek naman ay ang 22-anyos na si Jakefer
Gumboc.
Sa ipinaabot na reklamo ng biktima, di umano noong araw ng
Martes, habang naglilinis siya ng kaniyang kwarto ay nagtaka ito dahil ang
kaniyang silver na kwintas, na nakapatong sa kaniyang cellphone sa taas ng TV
ay nawawala.
Agad umano nitong ipinagbigay-alam at ipinagtanong sa isang kinilalang
si “Rogien”.
Mula dito ay nalaman ng nawalan na di umano ay napansin
nitong pumasok sa kwarto ng nagrereklamo ang suspek na si Jakefer para kumuha
ng bigas.
Ngunit kahapon, dahil sa minanmanan na rin nila ang suspek,
nalaman nilang tinangka pa ng suspek na isanla ang kwintas sa isang indibidwal
na nagngangalang “Girlie” na sa kung anumang kadahilan ay hindi naman nito
tinanggap o tinangihan nito ang alok ng suspek.
Bunsod nito sa tulong
ng dalawang Brgy. Tanod ng Manoc-manoc kahapon ay naaresto ang tinuturong
salarin at ipina-ubaya sa posesyon ng pulisya.
Habang ang kwintas ay ibinalik naman sa may-ari.
Pero ang suspek ay pinagpahinga muna sa lock up cell ng
Boracay Tourist Assistance Center. #ecm012013
No comments:
Post a Comment