image from http://www.justice.gov/dea/pr/multimedia-library/image-gallery/images_marijuana.shtml |
Dahil sa kinaing brownies o cookies, hinimatay ang isang 26-anyos
na babae nitong nagdaang Linggo.
Sa report sa Boracay Police, Linggo ng alas-2 ng hapon, ay
di umano ay binigyan ng brownies o cookies ng isang chef ng isang restaurant sa
Brgy. Balabag na kinain nito.
Nakaubos umano ang hindi na papangalanan babae na isang house
keeping personel ng dalawang piraso, subalit nakaramdan aniya ito ng pagkahilo.
Sa kabila ng kaniyang naramdamang pagkahilo, isang tinig umano
mula sa isang lalakeng kinilala lamang sa pangalang “Noel” ang narinig nito at
nagsasabing ang nakain nito ay nahaluan ng Marijuana.
Kasunod nito, ilang minuto ang nakalipas ay nagsuka ang
nasabing babae, hanggang sa tuluyan na ngang nawalan ng malay.
Bagamat hindi ito nilapatan ng kaukulang medikasyon dahil sa
nangyaring pagkahilo, pinagpahinga na lamang ito hanggang sa nagkamalay na.
Subalit sa ginawang imbestigasyon ng awtoridad kahapon, wala
umanong nagbigay ng salaysay mula sa mga taong naroroon sa nasabing restaurant.
Ang babae naman ay pinayuhan ng pulisya na sumailalim na
drug test.
Kahapon ng hapon ay kinunan na ito ng urine sample ng
Boracay Crime Laboratory para sa gagawing pagsusuri.
Sa ngayong ay palaisipan pa rin kung bakit nanigas at nahilo
ang babae, at hindi pa matukoy talaga kung ano ang sanhi nito. #ecm012013
No comments:
Post a Comment