Lahat ng frontliners sa Boracay ay obligado nang sumailalim
sa “Seminar on Guest Handling” bago magkaroon ng working permit.
Gayong nasa mandatu naman ng Department of Tourism partikular
ang Tourism Act of 2009 na nag-uutos na magkaroon ng international standard sa
pasilidad at serbisyo ang isang tourist zone gaya ng Boracay.
Bunsod nito upang magkaroon ng lokal na bersiyon at mahigpit
na maipatupad sa Boracay, nitong nagdaang ika-29 ng Nobyembre ng taong 2012 at
inaprubahan ang ordinansa ukol dito.
Kaya ganoon na rin kahalaga ngayon para sa mga frontliners
sa isla ang Seminar na ito.
Lalo pa ngayong buwan ng Enero ay panahon sa pagproseso ng
mga business permit.
Kabilang sa mga itinuturing na frontliners sa isla ay ang
mga boatman, tricycle driver, vendors, masahista at mga porters gayon din ang
ibang establishemento na may direktang serbisyo sa mga turista.
Sapagkat sa ordinansang ito, ang sinumang nagtatrabaho sa
isla bilang frontliners na hindi sumailalim sa “Seminar on Guest Handling” ay
hindi rin bibigyan ng permiso para makapagtrabaho sa isla. #ecm012013
No comments:
Post a Comment