FILE PHOTO |
Kaya binubusisi umano ng DoT ang mga sasakyang sa Boracay at
Kalibo na nagbibigay serbisyo sa mga turista.
Ito ay upang masigurong kanais-nais din ang pasilidad at
maging komportable ang mga pasahero na sakay ng van, shuttle bus at kung anumang
behikulong nagsasakay ng turista.
Ayon kay DoT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, ang mga
sasakyang mahigit dalawang taon ay hindi na nila iniindorso pa.
Gayong ang DoT, ang nagbibigay ng endorsement sa mga
sasakyan para magkaroon ng permiso para sa kanilang operasyon.
Dagdag pa ni Ticar, sinisiguro nila sa ginagawa inspeksiyon na
maayos pa ang mga upuan, aircon at ang sasakyan mismo, upang makapagbigay din
ng magandang serbisyo.
Pero, pagdating naman umano sa mga kolorum at ang tinatawag
na “made in Italy” o de-tali na ang likod na bahagi ng sasakyan at binabayahe
pa sa Caticlan at Kalibo, obligasyon na umano ito ng Land Transportation Office
o LTO. #ecm012013
No comments:
Post a Comment