Kaya nagkasya na lamang ito sa lock up cell ng Boracay
Police makaraang habulin ng mga nabiktima nito.
Kinilala ang suspek na si Reymart Murguia, 18-anyos ng Sigma,
Capiz.
Sa reklamo ng mga biktima, di umano ay sinasabing may naiwan
umanong plastic bag na naglalaman gamit sa isang fruit shake establishement na
nanglalaman ng camera, t-shirt at kaunting halaga ng pera.
Subalit sa pagbalik nito, sa nasabing establishimiyento
hindi na ang plastic nito ang kaniyang pinunterya dahil tinumbok na nito ang
lalagyan ng mga gamit, particular mga bag ng mga staff ng establishemento.
Kung saan nakita ito ng isa sa staff na hawak ang bag ng
kasama.
Pero katuwiran ng suspek, katulad lanag umano ito sa bag na
pag-aari ng kaniyang kaibigan
Bagay na ipinagbigay alam nito sa mga kasama.
At sa pangu-ngusisa sa mga gamit nila o laman ng bag, ikinadismaya
ng mga biktimang sina Diego Dela Cruz, at Clark Nandiego, kapwa staff ng
establishment, dahil ang kanilang mga gamit gaya ng t-shirt, wallet at cellphone
gayon din pera na nagkakahalaga ng P1,800.00 ay nawawala na.
Sa pagbalik nila sa kinalalagyan ng suspek, lalo silang
nagulat dahil naglaho na ito na parang bula at di umano ay sumakay na ng
tricycle.
Rason na hinabol at sinunda ng mga biktima sakay ng single
na motorsiklo.
Sa Pinaungon Ibaba na ito naabutan na nakayo sa tabing
kalsada.
Hinuli ito ng mga biktima, pero tanging t-shirt lamang ang
na-recover mula sa suspek sa mga gamit na nawala. #ecm012013
No comments:
Post a Comment