Ito ang nilinaw ni Babylyn Frondoza, sanitation inspector ng
Municipal Health Office (MHO) sa Boracay.
Aniya, ngayon taon lamang ito sisimulang ipatupad kasabay ng
pagproseso ng mga magre-renew ng business permit.
Kung saan nitong huling bahagi umano ng taon 2012 ay naging
ganap na itong ordinansa ng bayan.
Bagamat matagal na umanong batas at nakasaad sa Sanitation
Code, ngayon pa lamang ito ipapatupad sa Malay at Boracay dahil ngayon pa lamang
din ito na-adopt at gawing lokal na batas.
Paliwanag nito, sumusunod lamang ang MHO sa inaprubahang
ordinansa, na lahat ng empleyado sa isla ay sumailalim sa medikal na
eksaminasyon gaya nito.
Bunsod nito, aasahan aniya na bago magkaroon ng health card
ang mga empleyado, gaya ng waiter, mga nagbibenta ng pagkain, nag-o-opisina at
maging ang mga tricycle driver ay dadaan muna sa x-ray examination, urine test
at stool analysis.
Habang ang mga masahista at taga-tattoo naman sa Boracay ay dadaan
din sa katulad na pag-susuri sa katawan, pero dagdag sa kanila ay hepa-B
examination. #ecm102013
No comments:
Post a Comment