Ito ang nais mangyari sana ni Department of Tourism (DoT).
Ito din ang laman ng pahayag ni DoT Boracay Officer
In-charge Tim Ticar sa katanungan kung bakit hinahayaan pa ring bumiyahe ang
mga tricycle sa Boracay na halos sira-sira na ang sahig at upuan.
Paliwanag nito, ang pag-inspeksiyon sa mga tricycle na ito
ay hindi na bahagi ng trabaho nila sa DoT.
Sa halip ay trabaho umano ito ng Transportation Department
ng lokal na pamahalaan ng Malay na siyang nagbibigay naman ng prangkisa sa mga
sasakyang ito.
Aminado din si Ticar na mayroon talagang tricycle na hindi
na kanais-nais sa mga mata ng turista pero pinapahintulutan pa ring pumasada.
Ito ay dahil minsan ay butas na ang bangko ng tricycle na
kapag inupuan ay nababasa na ang pasahero at minsan ay mga tarpaulin na ang
balot ng upuan.
Anya, ang katulad na sitwasyon umanong ito ay hindi na
pasado sa international standards.
Bunsod nito, itinuturing nitong isa ito sa mga problema sa
Boracay.
Kung titingnan umano, kasama sa pagbibenta sa pangalan ng Boracay
at binibili o binabayaran ng mga turista ay ang maaayos na pasilidad at serbisyo.
Kaya kailangang maibigay din umano sa mga ito. #ecm012013
No comments:
Post a Comment