image from http://gaia365.files.wordpress.com |
Ito ay nabatid sa ipinadalang mensahe ni BIWC COO Ben
Manosca nitong umaga, kung saan nais nitong ipaalam sa mga kunsumidor at mga negosyante
sa isla na konektado sa BIWC na ang taripa ay inilathala na ng TIEZA-RO sa mga kilalang
pahayagan ngayong araw.
Ito ay nangangahulugan na tuloy na tuloy na ang pagtaas sa singil
bagamat hindi ito tumalima sa naunang planong 35% sa pag-uumpisa ng taong 2013.
Sahalip ay kinatigan nito ang nais ng mga stakeholder sa isla
na i-staggered o paunti-unti ang gagawing implementasyon ng taas-singil sa tubig
base na rin sa kahilingan ng mga ito sa isinagawang public hearing ng TIEZA
noong nakaraang Disyembre ng taong 2012.
Samantala, mararamdaman ang bagong taripa ng singil labinlimang
araw pagkatapos mailathala at ipaalam sa publiko na possible magumpisa sa buwan
ng Pebrero taong kasalukuyan. #acpsr012013
No comments:
Post a Comment