Ipinatawag nila ang pamunuan ng CAAP at namamahala sa
Boracay Airport.
Ito ay upang malinawan sana ang ilang bagay tungkol sa presyo
ng bilihan o bintahan ng lupa sa Caticlan, na magiging bahagi na ng
palalawaking Boracay Airport.
Sapagkat maraming lot owner sa Caticlan ang maaapektuhan kaya
balak bilhin ang mga lupa nila na gagawing bahagi ng expansion doon.
Kung kaya’t tulong ang hinihingi ng mga lot owners na ito sa
Sangguniang Bayan ngayon makaraang bigyan umano ang mga ito ng paabiso ng Civil
Aviation Authority of the Philippines o CAAP, na bibilhin ang lupa nila sa
mababang halaga, rason para umalma ang mga lot owners.
Maliban dito, kapag hindi umano pumayag ang mga ito, ay
idadaan ng CAAP sa expropriation ang mga lupa nila pabor sa pamahalaan at
bibilhin lamang ito sa halagang P150.00 per square meter.
Gayong 12 taon na umano ang nakalipas ay nabili ng dating
CAAP o Air Transportation Office ang mga lupa doon ng P2,500.00 per square
meter.
Kaya nagtataka ang mga ito kung bakit ngayon ay biglang
bumagsak ang halaga ng lupa doon.
Kung saan, ito sana ang mga bagay na nais linawin ng konseho
sa CAAP at TransAire na siyang namumuno
ng Boracay Airport para maprotektahan din ang interest ng mamamayan doon
ganon din ang kanilang propidad.
Bunsod nito, iminungkahi ni SB Member Rowen Aguirre na
sinigundahan naman ng halos lahat ng konsehal na magpasa ng resulosyong nagpapahayag
ng kanilang pagkalungkot sa aksiyong ito na ginagawa ng CAAP at TransAire.
Pero sa pagkakataong ito ay dapat malaman na rin umano ng
ilang matataas na ahensiya ng pamahalaan ang bagay na ito lalo na ng pangulo ng
bansa. #ecm012012
No comments:
Post a Comment