Tumawad ang Sanggunaiang Bayan ng Malay sa isang supplier ng
e-trike sa Boracay na babaan ang halaga ng unit nila para ma afford naman mga
operator.
Ito ang apela ng konseho sa pamunuan ng Gerweiss Motors na isa
balak na maging supplier ng electric tricycle sa isla.
Sa sesyon nitong Martes, hiniling ito ng mga konsehal upang
hindi umano mahirapan ang mga operator at hindi na rin magdalawang isip na
palitan ang kanilang tradisyunal na tricycle.
Subalit ang tawaran na ito sa gitna ng supplier at LGU Malay
ganoon din ng financer ay dapat na umanong mapag-usapan ng masinsinan kaya
hindi muna nangako ang Gerweiss kaugnay sa hiling na ito ng konseho.
Kasunod nito ay hiniling naman ng supplier na kung papayagan
ng SB na siyang taga bigay ng prangkisa sa mga tricycle sa Boracay, na kapag
hindi na talaga makapagbayad ang operator sa obligasyon nito sa hulugan sa
unit.
Kung pwede umano ay ang Gerweiss na mismo ang mag-o-operate
ng unit.
Pero ang bagay na ito ay agad na binara ni SB Member Esel
Flores, dahil sa tanging Boracaynon lamang umano ang pinapahintulutang
magkaroon ng prangkisa maliban pa sa hindi na rin nagbibigay ng prangkisa
ngayon ng SB. #ecm012013
No comments:
Post a Comment