Ito ay sakabila ng re-shuffling o balasahan na ginagawa
ngayon sa mga Chief of Police (COP) sa buong probinsiya ng Aklan kaugnay sa
paparating na 2013 midterm election.
Sapagkat nabatid mula kay P03 Nida Gregas, Public
Information Officer ng Aklan Police Provincial Office (APPO), na hindi kasama
sa mga irere-shuffle si Sr. Insp. Joeffer Cabural, hepe ng BTAC.
Ayon kay Gregas, epektibo nitong nagdaang ika-11 ng Enero ay
pinull-out na ang ilang hepe ng Pulisya sa ibang bayan at nilipat papunta din
sa ibang bayan, gaya ng Kalibo, Numancia, Madalag, Makato, Balete, at iba pa.
Pero ang mga hepe naman umano ng bayan Malay, New
Washington, Lezo, Altavas at Malinao kabilang na ang hepe ng nag-iisang Tourist
Police sa Aklan na Boracay ay mananatili parin umano sa kanilang pwesto sa ngayon.
Naging basehan umano sa ginagawang re-shuffling ay kapag
lumampas sa dalawang taong ang tour of duty ng isang hepe sa himpilang
pinagsisilbihan nito ay siyang ililipat ng ibang istasyon din.
Ang pahayag na ito ay magiging sagot na rin sa mga katanungan
ng komunidad sa Boracay kung ngayon eleksiyon din ba ay papalitan ang hepe ng
isla, gayong sa Boracay ay naging uso at isyu na ang papalit-palit ng hepe. #ecm012013
No comments:
Post a Comment