Ito ang nilinaw ni Malay Administrator Godofredo Sadiasa sa isang
eksklusibong panayam ng himpilang ito.
Aniya, ang isang araw na pagkansela sa anumang traksakayon
sa LGU Malay ay dahil sa walang pasok ang lahat ng mga empleyado ng LGU’s sa
Aklan ngayong araw, ika-17 ng Enero, para bigyang daan ang pagsasadsad o merry
making sa Ati-atihan sa bayan ng Kalibo.
Kasama din umano ang mga empleyado ng Malay sa mga LGUs na magsasadsad
sa Kalibo, kaya sarado ang kanilang mga opisina o tanggapan pati sa Action
Center sa Boracay.
Ganoon pa man, sa araw ng Biyernes, ika-18 ng Enero, ay
balik operasyon na ang mga tanggapan sa LGU Malay, upang ang mga maglalakad ng
papeles ay maaari na nila itong balikan.
Samantala, maging ang Barangay Balabag na siyang isa sa
abala na tanggapan ng pamahalaan sa Boracay ngayon, dahil sa panahon ng pagkuha
ng barangay clearance, ay magsasara din muna ngayon ng buong araw, dahil din sa
katulad na rason. #ecm012013
No comments:
Post a Comment