Ito ang pananaw ngayon ng Department of Tourism o DoT sa
Boracay kauganay sa napipintong pagtaas ng taripa sa paniningil sa serbisyo ng
tubig na ipapatupad ng Boracay Island Water Company o BIWC.
Ayon kay DoT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, sa pagnenegosyo,
asahan na umano na kapag tumaas ang bayarin sa mga pangunahing pangangailangan
ng isang establishemento ay ipapatong na
rin ito sa rate na i-aalok sa mga kostumer.
Kaya aasahan na rin umano ang posibilidad na pagtaas sa rate
ng mga resort o hotel sa isla.
Pero maliit na halaga lamang ito na hindi naman mararamdaman
ng mga turista.
Dahil sa pagkakaalam din umano nito, hindi naman ganoon
kalaking halaga ang itataas sa taripa per cubic ng BIWC.
Kung maaalala una nang kinabala ng mga stakeholder sa
Boracay bagay na ito.
Sapagkat maaapektuhan ang kanilang negosyo, gayon din ang
mga pamayanan, dagdagan pa ng kumpirmahin ng BIWC na aprubado na nga ang bago
nilang taripa. #ecm012013
No comments:
Post a Comment