Balak ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay na magpasa ng
ordinansa na hindi na pahihintulutan pang maglagay o magtayo ng fast food chain
sa front beach, gayong hindi umano ito kagandahan para sa mga turista.
Ito ay upang maiwasang na ring mag-mukhang “fast food chain
street” ang front beach ng Boracay.
Ganoon pa man, nilinaw ni SB Member Rowen Aguirre na hindi
siya tutol sa pagpasok ng mga fast food chain na ito sa Boracay kung sakali.
Pero huwag lang sana umano na ilagay ito sa front beach para
ma-protektahan ang isla.
Kapag naipasa ang ordinansa, magkakaroon na rin aniya ng
lugar na doon lamang pwedeng ilagay ang mga ito dahil susundin na ang zoning na
ipinapatupad sa isla alinsunod sa Comprehenssive Land Use Plan (CLUP).
Ang balak na pagpasa ng ordinansang ito ay paghahanda sa mga
napipinto pang pagpasok ng ibang fast food chain sa isla gaya ng Jollibee. #ecm012013
correct!! yan ang dapat gawin ng mangbabatas...
ReplyDeletebawal na din pla ang MCDO, Shakeys and Andoks
ReplyDeletethey can change their logo designs to make tourists feel they're away from home where the big corporate logos are.
ReplyDeleteBOOYAH!
Delete