Nagbabadyang nang simulan ang demolisyon sa mga illegal na istraktura
sa front beach ng Boracay.
Pero nanatiling nangangapa pa rin ang Sangguniang Bayan ng
Malay kung anong mga resort o establishemento ang apektado.
Gayong nababahala umano si SB Member Rowen Aguirre na kapag
mag-isyu ng statement ang Department of Environment and Natural Resources o DENR
na aalis na ang mga illegal structure ay lalo pang dumarami o nadodoble ang
nadadagdag sa nga istraktura doon.
Bagamat may ideya na aniya ito na ang mga tent at iba pang
temporary structure ang aalisin dahil sa nakapasok ito sa 25+5 easement na nakasaad
sa batas na ipinataupad ng DENR kaya ikinonsiderang illegal, nais naman ngayong
mangyari ng konsehal na sana ay magkaroon din sila ng kopya ng listahan ng DENR
ng mga tatangaling istraktura.
Ito ay dahil tila ang labas aniya ay wala nang nagawa ang LGU
Malay para akasiyunan ang mga illegal structure na ito.
Kaya hihilingin umano ng SB ngayon sa DENR na bigyan sila ng
listahan nga halos tatlong daang establishementong apektado. #ecm2013
No comments:
Post a Comment