Ito ang nabatid mula sa P/S Insp. Jeoffel Cabural, Hepe ng
Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa panayam dito.
Kung saan naging abala ang mga ito sa pagpapatupad ng ordinansa
sa Boracay na ipagbawal ang pakalat-kalat na mga paninda sa baybayin lalo na
ang mga kumisyuner na nag-aalok ng kung anong sea sports activities.
Kaya kahapon sa pangunguna ni Island Administrator Glenn
SacapaƱo at Cabural sa panig ng Pulisya tinangal at pina-alis na rin ang mga
vendor na nahimpil sa mga lugar na hindi dapat na naroon ang mga ito.
Ito ay bilang paghahanda na rin ng pamahalaan para sa
pagdaong ng Cruise ship na Royal Caribbean Legend of the Seas sa Sabado, ika-27
ng Oktubre.
Inihayag ng Hepe na binigyan na ng lugar ng LGU ang mga
kumisyuner upang hindi na maka-esturbo pa at hindi na rin makalapit sa mga
turista.
Ayon pa kay Cabural, isang buwan na rin ang ginawa nilang paghahanda
para dito kaya umaaasa silang magiging matagumpay ang kanilang operasyon para
sa kaligtasan ng lahat.
Halos lahat na puwersa na aniya ng mga friendly forces ng
pamahalaan gaya ng, Pulis, Army, Navy, Coast Guard, maging ang mga organisasyon
sa lokal na pamahalaan ng Malay, at mga Non-Government Organization sa Boracay at
iba’t ibang grupo na nagbibigay serbisyo sa mga turistang ito ay naki-isa din para
sa siguridad ng lahat.
Aasahan din umanong may mangyaring pagbabago sa ruta ng mga
sasakyan sa isla at ang mga hotel na pupuntahan ng mahigit dalawang libo at
limang daang turista na lulan ng barko ay magkakaroon ng mahigpit na seguridad.
#em102012
No comments:
Post a Comment