Kaya ipinatawag ng Sangguniang Bayan ang Life Guard, Boracay
Island Hopping Association (BIHA) at Coast Guard sa isinagawang Joint Committee
Hearing kahapon ng tatlong kumitiba na pinangunahan ni SB Rowen Aguirre,
Chairman ng Committee on Law and Ordinance, at tumatayong Chairman na
pinagpaliwanag ng Committee on Laws, Tourism at Public Safety and Order.
Ito ay kaugnay sa nangyaring pagkalunod ng mga estudyanteng
turista noong ika, ikatlo ng Oktubre at pagtaob ng bangkang sinasakyan ng mga
Taiwanese national kinahapunan.
Pero, nilinaw ni Aguirre na ang pagpapatawag nila sa mga ito
kasama ang Municipal Auxiliary Police (MAP), ay hindi para alamin kung sino ang
may sala sa nangyaring mga sakuna na resulta sa pagkamatay ng ilang turista.
Ang nais lamang umano nila ay malaman kung ano ang mga
kulang sa araw-araw na operasyon ng mga nabanggit upang magawan ng paraan na
kung hindi man lubusang maiwasan ang sakuna kahit papaano ay mabawasan ang
casualty, gayong wala naman may gusto na mangyari ang ganito.
Kaugnay nito, inimbentaryo na rin ng mga kumitiba ang mga
gamit o asset ng ahensiya at grupong ito upang mapaghanadaan aniya ng LGU, kung
ano pa ang dapat na batas at procedure upang hindi na maulit pa ang naturang
pangyayari.
Bagamat ang mga problema ukol sa kakulangan ng gamit na ito
ay matagal na at nahiling na rin na magkaroon nito sa LGU noon paman.
Inihayag ni Agguire na may mga pera naman ang LGU na pwedeng
mapagkukunan ng pambili ng mga gamit na ito.
Kaya maisasakatuparan na ito ngayon dahil may mapagkukunan
naman ng budget kung pairalin lamang ang creativity o makamalikhain sa
pag-gamit ng pondo. #ecm102012
No comments:
Post a Comment