Ito ang ihinayag ni Gen. Pedrito Magsino ng Philippine Drug
Enforcement Agency Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa
isinagawang dalawang araw na Information and Education Campaign on Drug
Awareness and Prevention na ginanap noong ika-labingsiyam hanggang dalawampu ng
Oktubre, taong kasalukuyan dito sa isla ng Boracay.
Ayon sa opisyal, nakasaad umano sa Sec. 48 ng Republic Act
9165, o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, na dapat na i-promote ang
drug free workplaces sa pamamagitan ng pagpapatupad ng drug abuse prevention
program ng mga pribadong kumpanya na may sampu o higit pang empleyado.
Ito ay sa pakikipag-tulungan na rin ng Department of Labor
and Employment (DOLE) at ng Dangerous Drugs Broard.
Anya, dapat din na magkaroon ng karatula ang isang
establishimiyento na may nakalagay na "This is a drug-free workplace.
Let's keep it this way."
Dapat ay magkaroon din ng random drug testing sa mga
empleyado.
Ipinaliwanag din ng opisyal ng ahensya na maraming hindi magandang maidudulot ang drug addiction sa isang workplace tulad ng palagiang pag-liban sa trabaho, mababang perfomance at productivity, pati na rin ang posibilidad na gumawa ng krimen sa pinagtatrabahuhan, tulad ng pagnanakaw sa kompanya, upang matustusan ang bisyo.
Sinabi din ng opisyal na nasa polisya umano ng gobyerno na
maipatupad ito ng mga private businesses.
Kaugnay nito, binigyang-diin ni Magsino na dapat ay
maipatupad ito sa Boracay upang mapangalagaan ang isla mula sa iligal na droga,
kasabay ng kanynag panawagan na sana ay magtulungan ang lahat upang manatiling
drug-free ang Boracay. #pnl102012
No comments:
Post a Comment