Nilalaman ng petisyon ay “Complaint for the Cancellation of
the Registration of Kasangga Party List”.
Kasabay nito, gayong si Aklan Governor Carlito Marquez ang
ipinalit kay Cong. Teodorico Haresco na siyang kumakataawan dito ngayon, tila
nakalutang na rin ngayon ang estado ni Marquez sakaling panigan ang grupo ni
Dizon ng Comelec na ibasura o tanggalin na rin sa listahan ng Party List ang
Kasangga.
Bagamat sa kasalukuyan ay 13 na sa mga Party List ang
na-diskwalipika ng Comelec batay sa listahan na ipinalabas noong ika-10 ng
Oktubre at hindi kabilang doon ang Kasangga.
Samantala, nasa "full swing" na ang ginagawang
review process ng poll body sa partylist groups at posible umanong abutin nang
mahigit isang daang partylist organizations ang ma-disqualify para tumakbo sa
2013 midterm elections ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes.
Bagay na hindi pa malaman sa ngayon kung kabilang doon ang
Kasangga.
Pero, anumang araw ngayong linggo ay posibleng maianunsyo na
ng Commission on Elections (Comelec) ang karagdagang tatlongpung disqualified
partylist organizations.
Kung matatandaan hiniling ng grupo ni Dizon na ibasura o
tanggalin na sa listahan ang Kasangga dahil sa kinasasangkutang kontrobersiya
ng kumakatawan dito at umano ay inabuso ang party list system dahil sa mayaman
naman kagaya ni Haresco ang kumatawan dito sa grupong ito. #ecm102012
No comments:
Post a Comment