YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, October 23, 2012

“Night swimming” sa Boracay, hindi bawal!

Hindi bawal ang paliligo sa dagat kapag gabi o mag-night swimming.

Ito ang inihayag ni Miguel Labatiao, Supervisor ng Lifeguard sa Boracay, sa isang eksklusibong panayam, kung saan nilinaw nito na hindi nila ipinagbabawal ang paliligo sa gabi sa baybayin ng isla.

Maliban na lang umano kung mataas na talaga ang alon at lubhang delikado na sa publiko na maligo, kaya pinagsasabihan ang mga ito ng mga pulis, ang mga naka-duty na Municipal Auxiliary Police sa gabi at lalo na ang mga resort staff para na rin sa kanilang kaligtasan.

Ang labas umano doon ay “swim at your own risk” kapag pinilit pa talaga nilang maligo, kahit napagsabihan na.

Gayon pa man, hinahanapan na umano nila ngayon ng paraan para maiwasan ang pagkalunod sa gabi man o araw.

Bagama’t kakaunti lamang ang insidente na naitala kapag gabi, hindi naman umano nila ito minamaliit ayon kay Labatiao.

Sa halip ay gagawa na umano nila ng mga babala o signage na “No Swimming” kapag masama ang panahon na siyag ikakalat nila sa baybayin para mabigyang paalala ang mga turista.

Samantala, gayong inaasahang madaragdagan na ang mga lifeguard sa Boracay, pinag-aaralan na umano ng lokal na pamahalaan ng Malay kung gagawin nilang 24/7 ang duty ng mga life saver na ito, dahil madalang lamang umano ang naliligo sa gabi, pero yaong mga lasing naman, ayon sa supervisor. #ecm102012

No comments:

Post a Comment