Muling nagpaalala ang Coast Guard Caticlan sa lahat ng mga resort owner sa Boracay na hanggang alas singko na lamang ngayong hapon ang biyahe ng bangka.
Gayong din sa ginawang kumpirmasyon ni Caticlan Jetty Port Nieven Maquirang, na hindi na nila hihintayin pa ang alas-sais ng gabi para ipatigil ang biyahe sapagkat sa mga oras na iyon ay madilim na.
Ito ay dahil nasa Storm Signal Number 1 pa rin ang Aklan kasama ang isla ng Boracay kaya para sa kaligtasan ng mga pasahero, pansamantala ay ititigil nila ang biyahe ngayong alas singko.
Dahil dito, payo ni CPO Serafio Trogani ng Coast Guard Caticlan sa mga resort owners na may parating na bisita papuntang Boracay na hangga’t maaari ay huwag na munang patuluyin pa sa Caticlan lalo na ang mula sa Airport sa Kalibo sapagkat nakikita umano nila na ma-stranded lamang ang mga turistang ito sa Caticlan Jetty Port.
Ayon naman kay Mars Bernabe ng Caticlan Jetty Port, inaasahang babalik ang biyahe kapag idineklara na ng PAGASA na wala nang storm signal sa Aklan o sa Boracay. #ecm102012
No comments:
Post a Comment